UPDATE: Concert ni Lady Gaga sa Pinas ipinatitigil ng ilang personalidad, youth groups

DUMARAMI na ang tumututol sa nakatakdang konsiyerto ni Stefani Joanne Angelina Germanotta, a.k.a. Lady Gaga sa SM Mall of Asia ngayong weekend.

Hiniling nina former Manila Mayor Lito Atienza at election lawyer Romulo Macalintal kay Pasay City Mayor Antonio Calixto na huwag payagang makapag-concert ang sikat na singer dahil sa pag-amin nito na siya ay isang mang-aawit ng “anti-Christian” songs.

Ani Macalintal, hindi rin pinayagan ang mga concert ni Lady Gaga sa ibang bansa tulad ng Indonesia dahil na rin sa religious reasons.

Samantala, nagtungo ang ilang grupo ng kabataan kasama si former Rep. Benny Abante sa Pasay City Hall upang hilingin na huwag payagan ang konsiyerto ng singer.

Kaugnay nito, ipinangako din ng Biblemode Youth Philippines na magsasagawa sila ng protesta laban sa pagtungo sa Pinas ng sikat na mang-aawit.

Tinuligsa rin ng naturang grupo ang kontrobersiyal na kanta ni Lady Gaga na “Judas.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply