UPDATE: Jessica Sanchez handa na sa showdown

READY nang makipag-showdown si Filipino-Mexican-American Jessica Sanchez kay Phillip Phillips, sa finale ng American Idol ngayong umaga, Miyerkules (Martes ng gabi sa Amerika).

Inamin ng dalagita na mixed emotions ang kanyang nararamdaman habang papalapit ang oras ng performance.

Ani Jessica excited siya kahit na nakadarama ng pagkabahala.

Nai-tweet pa ni Jessica na siya ay bihis na para sa showdown ngayon: “Getting make up & hair done. Getting really nervous lol..,” ani Sanchez.

Komportable naman si Jessica sa mga napili niyang kanta ngayon at sinabi na excited na siyang iparinig ito sa mga manonood maya-maya.

“I love my song choices, I’m comfortable with all my songs and I’m really excited to perform them,” ani Jessica.

“I’m just gonna bring it all out. I’m just gonna put my heart into every single song that I sing, even if I have a little part of it, and just do my best,” dagdag pa ng half-Pinay singer.

Abangan ang Sanchez-Phillips showdown maya-maya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply