UPDATE: Keh pinagpapaliwanag kung bakit ‘di dapat ma-contempt

PINAGPAPALIWANAG ngayon ni Senate Presiding Officer Juan Ponce-Enrile si Kaya Natin Movement chairman Harvey Keh kung bakit hindi siya dapat ma-contempt.

Ayon kay Enrile, nainsulto siya sa ginawa ni Khe nang ipadala nito sa kanyang tanggapan ang mga dokumentong may kaugnayan sa mga bank accounts at mga ari-arian ni Chief Justice Renato Corona, na ani Keh ay ipinadala ng anonymous person.

“I just felt the Senate would be the best position to evaluate the documents,” sagot ni Keh sa tanong ni Enrile kung saan niya nakuha at kung bakit sa tanggapan ng Senate president ipinadala ang mga dokumento.

Bukod dito, ani Enrile, sinadya ni Keh na magsama ng media noong oras na dinala niya sa tanggapan ng Senate president ang mga naturang dokumento.

Sinabi pa ni Enrile na sa ginawa ni Keh ay tinangka nitong impluwensyahan ang Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply