UPDATE: Kredibilidad ng korte nais sirain– Angara

SINABI ngayon ni Senator-judge Edgardo Angara na nais ng depensa na sirain ang kredibilidad ng korte.

Sa pagsisimula ngayon ng impeachment trial ay nagsalita si Angara kaugnay sa pagpapa-inhibit sa kanya sa kaso ni Chief Justice Renato Corona ng depensa.

Sinabi ni Angara na hindi siya mag-iinhibit dahil mandato niya base sa Saligang Batas na maging senator-judge.

Ipinaliwanag din ng senador na hindi niya alam at wala siyang kinalaman sa pagkakasama ng anak niyang si Rep. Sonny Angara sa House Prosecution Panel.

Magugunitang, pinag-i-inhibit ng depensa ang senador dahil ama siya ni Rep. Angara, na tagapagsalita ng prosekusyon at mayroon umanong mga proyekto na inaprubahan ng administrasyon sa kanyang lalawigan sa Aurora.

Mariing sinabi ng senador na walang kinalaman sa impeachment trial ang mga proyekto sa kanyang lalawigan dahil foreign funded aniya ito.

Una na ring ipinagtanggol ni Enrile ang senador at pinayuhan ang depensa na tutukan ang pagtatanggol sa kanilang kliyente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply