UPDATE: Lindol sa Italy 16 na patay, mahigit 350 sugatan

MALAKING pinsala ang idinulot ng magnitude 5.8 na lindol na yumanig sa Italy kahapon (Mayo 29) dahil gumuho ang mga factory, barns at ilang simbahan sa Emilia Romagna region. Ang Emilia Romagna ay binubuo ng lungsod ng Modena, Mantua at Bologna.

Sa pinakahuling talaan ng disaster agency sa Italy, umakyat na sa 16 ang mga namatay sa lindol habang nasa 350 naman ang sugatan.

Nagdulot naman ng matinding panic ang pagyanig na hanggang ngayon ay sinusundan pa rin ng mga aftershock.

Libu-libo ang walan ng tirahan ngayon at nananatili sa mga lansangan.

Sa Modena, makikita ang planta ng ilang kilalang car makers kagaya ng Ferrari, Maseratis at Lamborghini na napinsala at balak ihinto pansamantala muna ang produksyon kasunod ng lindol.

Kilala rin ang rehiyon dahil sa Parmesan cheese na sikat sa buong mundo pero kasunod ng pagyanig, maraming cheese factory ang nasira.

Mahalaga ang nasabing rehiyon sa Italy na ngayon ay sinisikap makarekober agad sa financial crisis.

Noong nakaraang linggo lang. ay nilindol din ng magnitude 6.0 ang Emilia Romagna na ikinasawi ng pito katao at tinatayang nasa 1.5 million euros ang halaga ng pinsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply