UPDATE: Mag-ina dedo nang mahulog ang bus sa kanal

PATAY sa sakuna ang isang mag-ina habang mahigit sa sampu pa ang nasaktan nang mahulog sa kanal ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa South Tagalog Arterial Road (STAR) sa Batangas province kaninang umaga.

Kinilala ni San Jose chief of police Chief Inspector Pedro Macaraig ang mag-ina na sina Rita Suege, 27-anyos at ang anak nitong si Elaisa Emmanuel, 2-anyos kapwa residente ng Oriental Mindoro.

Isinugod naman sa iba’t  ibang ospital sa Batangas sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang nasugatang pasahero.

Nakipag-ugnayan na ngayon ang pulisya sa may-ari ng Roro Bus Line  (UVT-990) upang malaman kung sino ang nagmamaneho ng naturang bus nang maganap ang insidente para mapanagot sa krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa Star Tollway sa Barangay Ayat, San Jose, Batangas.

Bago ito, galing sa Metro Manila ang naturang bus at patungo sa Batangas City para sumakay naman sa Roro na biyaheng Mindoro.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nakatulog habang nagmamaneho ang naturang tsuper ng bus kaya biglang bumulusok ito sa kanal na kalahating metro ang lalim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply