UPDATE: Pag-alma ng prosec sa opening statement ni CJ binara ni Enrile

AGAD binara ni Impeachment judge Juan Ponce Enrile ang pag-alma ng prosekusyon makaraang birahin ni Chief Justice Renato Corona si Pangulong Benigno Aquino III at iginiit na nag-ugat lamang ang kaso sa kanya dahil sa personal na galit ni PNoy.

Ani Enrile, dapat igalang si Corona sa pagbibigay ng kanyang opening statement dahil mabibigyan naman ng oras mamaya ang prosekusyon para i-cross examine ang punong mahistrado.

Binira ni Corona si PNoy sa pagsasabing walang karapatan ang Pangulo na magalit sa kanya dahil ibinigay lamang niya ang tamang desisyon para sa mga magsasaka.

Ang nasabing isyu ay may kaugnayan sa sinabi ni Corona na ang dahilan ng galit ni PNoy sa kanya ay dahil sa kanyang desisyon sa Hacienda Luisita kung saan kanyang pinanigan ang mga maralita.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply