UPDATE: Pagtatanong ng prosec inalmahan ni Atienza

SA KANYANG pagsalang sa cross examination, inalmahan ni dating Manila Mayor Lito Atienza ang paraan ng pagtatanong sa kanya ni Atty. Renato Samonte Jr., ng prosekusyon.

Sinabi ng dating alkalde na tila nagbibigay na ng kanyang konklusyon ang abogado dahil sa pagbanggit nito na nagkaroon ng overpricing sa pagbili ng property ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa Basa-Guidote Enterprises Inc. (BGEI) na pag-aari ng pamilya ni Cristina Corona, asawa ni Chief Justice Renato Corona.

Mariing iginiit ni Atienza na hindi siya pumasok sa anumang overpriced deal kailanman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply