UPDATE: Sunog sa Butuan City, 15 na ang patay

TINATAYANG 15 katao na ang napaulat na namatay sa sunog sa Novo Jeans and Shirts Enterprise sa Butuan City na nagsimula dakong alas-4:00 kaninang madaling araw.

Pinangangambahan na kasama sa nasunog ang limang business establishments sa may Montilla Boulevard ang may 20 mga stay-in na tindera na patuloy pang pinaghahanap.

Ayon sa cashier ng tindahan na si Mylene Tolo na taga-Zamboanga, nasa 28 silang mga stay-in na tindera kung saan sa third floor ng nasabing tindahan sila natulog kagabi (Mayo 8).

Nabatid naman kay Verlita Ballestero, posibleng aabot sa 19 ang mga na-trap nilang kasamahan kasama na rito ang kanilang limang buwang buntis na assistant supervisor na si Villarose Dumampi na taga-Pangantukan, Bukidnon.

Nabatid na nakababa ang ilan sa mga trabahador sa second floor kung saan nakalagay ang fire exit habang sinasabing tatlo ang nakatalon sa kasagsagan ng sunog kasama sina Grace Canoy at Vicky Velez.

Sinubukan sanang pasukin ng mga bumbero ang loob ng nasabing tindahan upang malaman kung may na-trap na tao ngunit bigo ang mga ito matapos na bumigay ang ikalawang palapag ng tindahan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply