UPDATE: ‘T3’ ng Tulfo Brothers sinuspinde ng MTRCB

SINUSPINDE na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang “T3 Kapatid Sagot Kita” ng Tulfo Brothers sa TV5.

Ito ay matapos ang isinagawang pagdinig ngayon ng MTRCB kaugnay ng pagbabanta ng magkakapatid na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto noong Mayo 7 sa kanilang programa sa telebisyon.

Ayon kay MTRCB Spokesman Atty. Eugenio “Toto” Villareal na epektibo ngayong araw, Mayo 10 ang 20-days preventive suspension sa naturang programa.

Itinakda naman sa Lunes ang panibagong hearing upang alamin kung ano talaga ang nilabag ng Tulfo Brothers sa mga itinatakda ng MTRCB.

Una rito, kahapon ay sinuspinde na ng TV5 News ang tatlong magkakapatid sa kanilang programa hanggang bukas, Mayo 11.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply