UPDATE: Nagkaaberyang motor banca sa Cebu sinuspinde

SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard ang operasyon ng motor banca na nagkaaberya sa karagatan ng Danao City, Cebu kagabi (Mayo 15).

Pinagsusumite rin ng report ang operator ng M/BCA na pag-aari ng isang Ben Sun.

Nabatid na bigla na lamang tumirik ang motor banca sa gitna ng karagatan ng Danao nang masira ang makina nito.

Mabilis namang nakaresponde ang Coast Guard at hinila ang bangka.

Ligtas din ang 22 pasahero nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply