US dapat nang makialam Scarborough Shoal

PANAHON na upang makialam ang United States sa nagaganap na iringan o standoff sa bahagi ng West Philippine Sea partikular na sa Scarborough Shoal dahil may interes din silang pinangangalagaan dito.

Ito ang binigay na pahayag ni dating Defense Secretary Avelino Nonong Cruz, nitong nakalipas na linggo na lahat ng bansa kabilang na ang United States ay may interes sa nasabing area at kailangang pairalin ang international law principle na freedom of navigation sa international seas, unimpeded lawful commerce.

Ayon kay Cruz, merong role ang US dito dahil ang west Philippine sea ay may parang donut sa gitna, isa aniya itong international waters at mahalaga rito ang pagpapairal ng freedom of navigation sa international waters.

Dapat na hikayatin ng US ang claimants countries gaya ng China at Pilipinas na dalhin na ang usapin sa international Tribunal.

“Importante-importanteng talagang i-pursue natin yung ating game plan under the united nations law of the sea, yun ang tama e, dahil under the unclose maliwanag na yung Panatag Shoal is within our territory ano,” pahayag pa ni Cruz.

Kaugnay nito, dapat magkaroon ng comprehensive plan para igiit ang karapatan ng Pilipinas at dapat ding magkaroon ng domestic awareness nang maipaliwanag sa mga Filipino kung gano kaimportante ito, at gaano kaseryoso ang usapin at gaano kalakas yung ating posisyon sa Panatag Shoal.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply