Utol tinodas dahil sa away sa lupa

TODAS ang isang magsasaka matapos tagain ng sariling kapatid nang dahil lamang sa away sa lupa sa Amulung West, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Saturnino Martin, 56, habang ang suspek ay si Teodoro Martin, 71, pawang ng Brgy. Balauini, Amulung.

Nabatid na ipinatawag ng suspek ang biktima sa kanilang bahay kaninang umaga para pag-usapan ang problema sa lupa.

Kaagad namang nagtungo ang nakababatang Martin sa bahay ng kanyang kuya.

Subalit pagdating sa bahay ay basta na lang siyang tinaga nito sa leeg kanyang agad na ikinamatay.

Napag-alaman na away sa lupa ang dahilan ng pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply