Verdict kay Corona, paninindigan ng Senado – Sotto

PANININDIGAN ng Senado ang anumang magiging desisyon kay Chief Justice Renato Corona sa kabila nang banta ng defense counsel na idudulog sa Supreme Court ang magiging hatol ngayong hapon.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, iginagalang nila ang anumang opinyon ni dating associate justice Serafin Cuevas na maaari nilang idulog sa SC ang magiging hatol ng impeachment court.

“Iginagalang namin ang opinyon ni Justice Cuevas sna puwede silang magpasaklolo sa Korte Supreme sakaling guilty ang magiging hatol kay Chief Justice corona ngimpeachment court,” ayon kay Sotto.

Pero giit ni senador Sotto, mahigpit nilang susundin ang black and white na panuntunan ng senado at ang isinasaad ng  Konstitusyon kayat wala, aniyang, makahahadlang sa implementasyon ng anumang magiging hatol kay Corona.

Matagal nang sinasabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na natatanging kapangyarihan ng Senado na umuupong impeachment court ang pagdinig at paghatol sa anumang impeachment case.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply