Vic Sotto papasok na sa pulitika?

IKINOKONSIDERA ni Eat Bulaga television host Vic Sotto, na mag-iba na ng propesyon at mula sa show business ay tumalon na sa political arena tulad ng kanyang kapatid na si Senator Tito Sotto.

Sinabi kaninang umaga (Mayo 20) ni Senate majority leader Vicente “Tito” Sotto III na pinag-uusapan na nila ng kanyang kapatid na si Marvic ‘Vic’ Sotto ang posibilidad ng pagsali nito sa pulitika sa 2013 midterm elections.

“Pinag-uusapan pa, kwentu-kwentuhan lang… discussing possibilities,” pahayag ni Sen. Sotto sa isang panayamyanam sa dzBB radio.

Wala pa naman, aniyang, pinal na desisyon hinggil sa pagtakbo ni Bossing Vic at kung anong posisyon ang tatakbuhin nito.

Nang tanungin naman kung sa national o local position tatakbo ang kanyang  nakababatang  kapatid , sinabi ni Sen. Sotto na pinag-uusapan din iyon sa aming pag-uusap.

Prominente ang Sotto brothers sa entertainment industry at sila ang  grandnephews ni dating Sen. Filemon Sotto, at mga apo ni Sen. Vicente Sotto.

Ang incumbent na si Sen. Tito Sotto naman ay nasa public service simula pa noong 1988 nang manalo siya sa vice mayoralty race sa Quezon City, at unang nanilbihan nilang senador noong 1992.

Sa kabilang dako, suki ngayon ng television commercials si Vic maliban sa kanyang regular television shows kabilang ang pamosong noontime show na “Eat Bulaga!”

Kilala rin si Vic bilang si Enteng Kabisote” movie franchise, na naging box office ng halos isang dekada.

Dati rin nitong misis si Dina Bonnevie at  mga anak na sina Danica at Oyo Boy Sotto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply