Vicki Belo dumalo sa Corona trial

HINDI lamang malalaking personalidad ang dumalo sa makasaysayang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona kundi maging ang kontrobersiyal na beauty expert na si Vicki Belo kasama ang ilang politko at kaibigan ng punong mahistrado.

Bukod kay Belo, makikita din sa main gallery ng session hall sina House Speaker Feliciano Belmonte, Ilocos Sur. Gov.Chavit Singson, dating Sen. Ernesto Maceda at Freddie Webb, Krystal Henares, ang MVP Bossing Awardee at ilang kaibigan at staff ni Corona.

Sa panayam, sinabi nina Belo at Henares na dumalo sila sa impeachment trial upang maging bahagi ng kasaysayan dahil lubos nilang hinahangaan si Senate President Juan Ponce Enrile at ang pamumuno nito sa paglilitis kay Corona.

“I would like to see how democracy at works here at the Senate. I have been following the trial since the beginning, and I have seen the best symbol (of democracy) is Senate President Juan Ponce Enrile,” ayon kay Belo.

“He is fair, very clear and very firm on his duties as the presiding officer,” dagdag niya.

Bukod sa sinuportahan niya sa pananaw si Belo, sinabi naman ni Henares na nakikita niyang maganda ang paghawak ni Enrile sa paglilitis kay Corona.

“It was very nice he conducted the hearing which should not be based on opinion but on facts,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply