Viloria-Niño III sasabog bukas

NGAYONG araw na ito ay sasabog na ang bakbakan nina WBO world flyweight champion Brian Viloria ng Waipahu, Hawaii at challenger Omar Niño Romero ng Guadalajara, Mexico sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

sa isinagawang weigh-in kanina, kapwa pumalo sa 112 lbs ang timbang ng dalawa sa unang sampa pa lamang.

Idedepensa ni Viloria (30-3-0, 17KO) ang kanyang korona sa kanilang ikatlong paghaharap ni Romero (31-4-2, 13KO).

Sa unang laban ng dalawa noong 2006 ay nanalo si Romero habang sa pangalawa ay idineklarang no contest dahil bumagsak sa drug test ang Mehikano.

Sa 10-round non-title bout, haharap naman si Rodel Mayol kay Julio Cesar Miranda ng Veracruz, Mexico at kapwa sila tumimbang ng 114 sa weigh-in.

Para naman sa WBO oriental bantamweight championship, si Dayer Gabutan ay haharap kay Dado Cabintoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply