WW II vintage bomb nahukay sa Quezon City

ISANG vintage bomb na ginamit pa noong World War II ang nahukay sa isang ginagawang gusali sa Quezon City kaninang hapon.

Batay sa ulat ng Explosives and Ordnance Division (EOD) ng Quezon City Police District, nadiskubre ang bomba sa loob ng compound ng isang construction site sa kahabaan ng Dama de Noche St. at panulukan ng Go St. Brgy. Mariana, New Manila, QC.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang nasabing bomba dakong 2:00 ng hapon na isang 57mm Projectile .

Nasa pangangalaga na ng District Public Safety Batallion ang nakuhang bomba para sa kustodiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply