Vintage bomb narekober sa junk shop sa Isabela

NAREKOBER ng mga awtoridad ang mahigit 30 kinakalawang na vintage bomb sa isang junk shop sa Barangay Cabaruan sa Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat, mismong ang may-ari ng junk shop ang nagreport sa pulisya tungkol dito.

Nabatid na noong Marso pa natagpuan ng isang trabahador ng junk shop ang naturang mga vintage bomb na nakasingit sa mga binibili nilang bakal.

Hawak na ngayon ng Philippine Army ang mga vintage bomb na sinasabing maaari pang sumabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply