VIP treatment ng DFA sa Panamanian diplomat bubusisiin ng Senado

TINIYAK ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na igigisa ang ilang opisyal ng Department of Foreign (DFA) sa pagbibigay ng VIP treatment sa isang Panamanian diplomat na inaakusahan ng kasong panggagahasa.

“Eh pero dito sa atin .. sobrang VIP treatment yan, yan ang di ko maintindihan eh. Yan gusto kong imbestigahan, di ko sila tinatakot pero yan imbestigahan ko kung bakit napakaimportante sa kanila ng taong yan, yang taga Panama na yan na merong droga sa katawan, meron pa itong nilabag na batas.Bakit masyado silang kumikiling sa Panama, porke’t ba’t mahirap na bansa tayo, mayaman sila,” ayon kay Sotto.

“Yung paghuli sa kanya, masyadong VIP treatment. Di naman nila ikinulong, kahit isa o dalawang araw bago lumabas iyong certification,’ sabi ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na dapat bago ipinalabas ng DFA ang certification na sakop ng diplomatic immunity si Erick Bairnals Sch’ck, technical officer ng Panama Maritime Authority, inimbestigahan muna. “Dapat hindi muna ipinalabas ang certification, hindi muna inindict. Kung sa tingin nila, mahina ang kaso, dapat nagpiyansa muna,” himutok ni Sotto.

“Dapat nagkaroon muna ng proseso katulad sa nangyari sa US at England. Ang DFA bago mag-isyu ng certification, pinaimbestigahan muna saka susuriin kung talagang sakop ng diplomatic immunity, iyon muna. Kailangan ma-clear muna ng State Department, o kaya iyong DOJ ang magsasabi kung puwede o hindi o kung ano ang dapat gawin, it’s a long process,’ dagdag ni Sotto.

Nilinaw din ni Sotto na hindi hinuhusgahan ng Senado na guilty o not guilty ang naturang Panamanian diplomat sa akusasyon, ngunit hindi dapat pinabilis ang proseso o magpalabas ng certification.

“Di namin pinag-uusapan whether guilty or not guilty. Pinag-uusapan namin na kahit may diplomatic immunity, kung meron man, pasok siya sa mga exemptions. Dun pa lang talon agad. Di nila inapura yong pagbibigay ng certification,” ayon kay Sotto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply