Voters list ng ARMM ibabasura na

NAKATAKDA nang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang buong listahan ng botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos aprubahan ng Senado ang Senate Joint Resolution No. 17 na inaatasan ang ahensya sa naturang pagkilos.

Ngayong araw, inaprubahan ng Senado ang Joint Resolution No. 17 na pangunahing inakda nina Senador Franklin Drilon at Aquilino “Koko” Pimentel III at nilagdaan ng 16 iba pang senador na inaatasan ang Comelec na “baguhin” ang listahan ng mga botante sa ARMM.

“Layunin ng Joint Resolution No.17 na tiyakin na magkaroon ng malins at tapat na botohan hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa buong bansa,” paliwanag nina Drilon at Pimentel.

Inatasan din ang Comelec na kaagad magsagawa ng bagong general registration ng mga botante sa lahat ng munisipyo at lungsod sa ARMM.

Sinabi pa ni Drilon na pansamantalang sinususpinde ang voters’ registration sa Visayas at non-ARMM areas sa Mindanao hanggang Agosto 31, 2012 upang makapagpadala ng sapat na tauhan at kaukulang kagamitan ang Comelec sa pagsagawa ng bagong voter’s registration sa ARMM.

Maliban kay Drilon at Pimentel, lumagda sa naturang resolusyon sina Senador Jinggoy Ejercito Estrada, Vicente Sotto III, Edgardo Angara, Ferdinand Marcos, Jr., Antonio Trillanes IV, Pia Cayetano, Francis Escudero, Sergio Osmena III, Ralph Recto, Manuel Lapid, Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Allan Peter Cayetano, Teofisto Guingona III, Francis Pangilinan at Loren Legarda.

“A new registration of voters is necessary in order to achieve the much-needed reforms that the Aquino administration has planned for the country’s poorest region,” ayon kay Drilon.

Tinukoy pa ni Drilon na base sa data ng National Statistics Office (NSO), ipinakikita dito na pinalobo ang bilang ng populasyon sa ARMM na siyang ginamit ng tiwaling opisyal para sa vote padding activities upang matiyak ang kanilang panalo sa nakaraang halalan.

“For instance, while the population in the ARMM stood at 4.1 million in 2007, a revalidation conducted by NSO in 2010 revealed only a little more than 3.3 million populations,” paliwanag ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply