VP ng EARIST utas sa pananambang

TINAMBANGAN at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang Executive Vice President ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology habang minamaneho nito ang kanyang sasakyan sa Sta.Mesa, Maynila, kagabi (Mayo 11).

Hindi na umabot nang buhay sa De Ocampo Memorial Medical Canterna ang biktima na si Noel Cabrera, 46-anyos, ng Carnation St., Modesto Village, San Mateo, Rizal.

Sa report ni SP01 Bienvenido Cinco ng Manila Police District-Homicide Section, minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Avanza kasama si Rolando Peraldo na nakaupo sa kanang harap papuntang R.M Boulevard dakong alas-7:00 kagabi nang maganap ang insidente.

Batay sa ulat, nakatawag pa ang biktima sa kanyang misis sa pamamagitan ng kanyang cellphone nang bigla silang ratratin ng mga suspek na riding in tandem.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad namang nakahingi ng tulong si Peraldo sa isang MMDA enforcer na siya ring nagtakbo sa kanila sa ospital.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin ang motibo ng pananambang sa biktima at tukuyin kung sino ang nasa likod ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply