‘Wag kaming idamay sa Panatag Shoal – US

NANAWAGAN ang Estados Unidos sa Pilipinas at sa China na huwag idamay ang Obama administration sa usapin higgil sa pinag-aawayang Scarborough Shoal sa South China Sea.

Sa ginanap na pagpupulong ng mga opisyal ng US at Pilipinas sa Washington D.C. noong Linggo, sinabi ni State Department Secretary Hillary Clinton na makikialam ang kanilang pamahalaan sa usapin kung anong bansa ang nagmamay-ari sa pinagtatalunang isla na pinangalanang Panatag Shoal ng Maynila, habang Huangyan Island naman ang tawag ng Beijing.

Ayon pa kay Clinton, mariing tututulan ng kanilang pamahalaan ang anumang paggamit ng dahas ng magkabilang partido para lamang maisulong ang kanilang interes na maangkin ang pinag-aawayang isla.

Sinabi rin ng dating senador mula sa New York na bagama’t walang kikilingan ang US sa sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China, handa naman ang Estados Unidos na panatilihin ang kapayapaan at estabilidad sa rehiyon, kasama na ang kalayaan sa paglalayag, paggalang sa international law at ang walang hadlang na pa takbo ng komersiyo sa sea lanes.

Ani ni Clinton, susuportahan ng kanilang pamahalaan ang sama-samang diplomatikong proseso para maresolba ang alitan ng dalawang bansa ukol sa pag-aari sa pinagtatalunang isla.

Gayunpaman, inamin ni Clinton na mananatiling alyado ng Amerika ang Pilipinas at umaasa ito sa mahipit na pakikipag-ugnayan kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa isasagawang ASEAN regionl forum sa Hulyo.

Sinabi naman ni Del Rosario na matagumpay ang kanilang pagpupulong dahil muling napanday ang iisang layunin ng Pilipinas at Amerika na mapanatili ang kalayaan sa pamamalakaya, walang hadlang na takbo ng komersiyo at ang paghahanap ng mapayapang solusyon sa sigalot sa ilalim ng umiiral na batas ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply