‘Huwag kaming pag-awayin ni Erap’– Lim

“HUWAG ninyo kaming pag-awayin, ayoko ng may kaaway.”

Ito ang pinakiusap ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim, sa mga mamamahayag nang hingan ng reaksyon kaugnay sa mga kritiko sa kanya ni dating Pangulong Joseph Estrada na ngayon ay nagbabalak na kumandidato sa pagka-alkalde ng Maynila.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kasunod ng ginawang pagpapasinaya sa Honorio T. Lopez bridge sa Balut Tondo, Maynila, kaninang umaga.

Ayaw na rin umano niyang magkomento at sinabi na hayaan na lamang ang mga taga-Maynila ang humusga kung wala siyang nagawa para sa lungosd.

Anang alkalde, masyado pang maaga para mamulitika mas pagtutuunan umano niya ng pansin ang kanyang mga programa para sa ikabubuti ng mga residente ng Maynila.

“Goodluck na lang sa kanya,” ani Lim patungkol sa pagkumpirma ni dating Pangulong Estrada na tatakbo siya bilang alkalde ng Maynila.

Samantala, nagtungo naman si Manila City Hall si dating Pangulong Estrada para kumuha ng sedula para panindigan ang kanyang pagiging residente sa Maynila at bilang paghahanda sa kanyang kandidatura sa halalan sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply