Wage hike sa private sectors sa Region IV-A

KASABAY ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa kanina ay inianunsyo ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na makatatanggap ng P18 umento sa kanilang minimum wage ang  private sector workers sa Region IV-A.

Ayon kay Baldoz, ang bagong wage order na nagdadagdag ng P18 kada araw sa sahod ng mga manggagawa ay magiging epektibo simula sa Mayo 15.

Nakasaad din sa kautusan ang pagbibigay ng productivity allowance na P12.50 para sa mga manggagawa sa rehiyon na tumatanggap ng mahigit sa P255 kada araw.

“The wage adjustment is in keeping with the policy of uplifting the standards of living of workers to the level of a set floor wage—a wage level that takes into account the region’s poverty threshold, average wages, and related socio-economic parameters,” ayon kay Baldoz.

Sinabi naman ni Labor and Employment (DOLE) Region IV-A director Alex Avila na sakop ng bagong wage order ang lahat ng manggagawa sa pribadong sektor, kabilang ang mga manggagawa ng mga lehitimong kontraktor o subcontractors na ipinadala sa “user enterprises.”

Tiniyak pa nito na ang DOLE office sa rehiyon ay handang magkaloob ng technical assistance sa mga kompanya kaugnay sa wage hike.

Batay sa pinakahuling datus ng pamahalaan, ang mga manggagawa sa nasabing rehiyon ay tumatanggap ng ‘third highest average daily salaries and wages’ sa buong bansa.

Ang mga manggagawa sa Metro Manila naman ang nananatiling may pinakamataas na sahod habang ang mga mula sa Eastern Visayas ay mayroong pinakamababang kompensasyong nakukuha mula sa kanilang mga employer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply