Wage system sa Pinas, katulad ng nasa ASEAN

HALOS abot-kamay na ng Pilipinas ang estado ng mga kasamang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay sa wage system sa mga manggagawa.

Inihayag ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng unang 2/3 wage order na inilabas sa Southern Luzon na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, patungo na ang bansa sa transition tungo sa 2/3 wage system na mas may proteksyon ang mga manggagawa dahil kumikilala sa productivity.

Sa ilalim ng two-tierred wage system lahat ng manggagawa ay tatanggap ng basic wage subalit mayroong tinatawag na second tier na isang flexible rate at mas mataas sa floor wage.

Ayon pa kay Baldoz, ang second tier ay ibabase sa productivity ng isang manggagawa at sa performance ng industriya o kumpanyang kinaaaniban nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply