Waiter tigbak sa saksak ng kapitbahay

ISANG tama ng saksak ang tumapos sa buhay ng isang waiter makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay sa kanilang barangay sa Quezon City kagabi (Mayo 11).

Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Ariel Bermudez, 29, binata, ng Araw St., Sitio Maligaya, Barangay Bahay Toro, ng lungsod.

Si Bermudez ay idineklarang dead on arrival sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong saksak sa kaliwang tagiliran.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si Edgard Flores, kapitbahay ng biktima na kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya.

Ayon kay SPO2 Antonio Galauran, naganap ang insidente dakong 10:00 kagabi sa kahabaan ng Batis St., Sitio Maligaya, ng nasabing barangay.

Sinabi sa ulat na narinig ng witness na si Carlo Carino, pinsan ng biktima ang paghingi ng saklolo ng isang lalaki at nang silipin nito sa maliit na siwang ng kanilang bintana ay nakita niya na sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang patalim.

Matapos ang pananaksak mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang duguang biktima na mabilis naman isinugod ng witness sa naturang ospital subalit hindi na umabot ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply