Waiver ni Corona desperate attempt – Rep. Quimbo

DESPERADONG estratehiya ang isinagawa ni Chief Justice Renato Corona nang ilagak nito sa impeachment court ang kaniyang nilagdaang “unconditional waiver” na nagsasabing handa na siyang ipakalkal ang kaniyang peso at dollar account.

Tahasang sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na ginawa ni Corona ang pagsusumite ng kanyang waiver upang makalimutan diumano ang ginawang “walk out” nito noong Martes na ikinapikon ng mga senador.

“It was a desperate attempt to let the public forget what he did last Tuesday,’ ayon kay Quimbo.

Bago isinumite ni Corona ang kaniyang waiver ay nagpahayag ang depensa na hindi na ito magsasagawa ng direct examination na siyang naghudyat sa prosekusyon na i-waive na rin ang cross examination.

“Too late this kind of waiver, dahil alam niya namang last day ngayon,” paliwanag pa ni Quimbo.

Sa panig naman ni Aurora Rep. Sonny Angara ay sinabi niyang nilalaro lamang ni Corona ang publiko maging ang mga senador dahil sa huling araw pa nito isinumite ang kaniyang unconditional waiver.
Hamon pa ni Angara sa mga senador sana sila na ang magtanong kay Corona ukol sa peso at dollar account nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply