Waiver sa dollar account ibinigay ni Corona sa Senado

TULUYAN nang ibinigay ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang nilagdaang waiver sa impeachment court nang walang kondisyon upang mabuksan ang kanyang dollar account na hindi inilagay sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

“Pormal ko nang ibinibigay sa kagalang-galang na korte na ito ang aking waiver sa dollar account upang patunayan ang aking intensiyon. Di katulad ng nauna kong pahayag, hindi ko na nilalagyan ng kondisyon ang paglagda sa waiver na ito, hayaan na lamang natin sila na sumunod sa akin,” ayon kay Corona.

Tinanong naman ni Senate President Juan Ponce Enrile si Corona kung paano nila mauungkat ang naturang dollar accounts nito kung walang testigo at hindi naman maaaring magpatawag ng sariling testigo ang impeachment court.

“Alam ninyo, ginoong Chief Justice, kahit ibigay n’yo sa amin ang inyong waiver, saan naman tayo kukuha ng testigo, sino ang kukuha ng testigo,’ ayon kay Enrile.

Tinugon ni Corona na maaaring ipatawag naman ng depensa ang lahat ng bank manager na kanyang binanggit sa dollar account sa power point presentation upang magpatotoo sa kanyang dollar account.

“Maaari naman natin ipatawag ang mga bank managers po eh,” ayon kay Corona.

Sa puntong ito, kaagad na sinuspinde ni Enrile ang sesyon upang pag-usapan sa caucus ang suhestyon at waiver ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply