Wala akong alam sa dollar account ni Corona- Bello

NILINAW ngayon ni Akbayan Rep. Walden Bello na wala siyang alam hinggil sa umano’y $10 milyon bank account ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang pahayag ay kasunod ng hirit ng defense team ni Corona na paharapin sa impeachment court si Bello, Ombudsman Conchita Carpio-Morales at iba pang mga naghain ng reklamo sa anti-graft body.

Ani Bello, ang “complaint for fofeiture” na inihain nila sa Office of the Ombudsman ay naglalaman lamang ng kanilang estimate ng mga domestic property at peso accounts ni Corona.

Sinabi pa ni Bello na ang $10 milyon account diumano ni Corona ay ibinase lamang sa ginawang pagsisiyasat ng Ombudsman.

Magkgayunman, nakahanda si Bello na tumestigo, sa oras na i-subpoena siya ng Senate impeachment court.

Subalit sa ngayon aniya ay nasa labas siya ng bansa para dumalo sa ilang conference hinggil sa financial crisis at reproductive health na aniya’y may pahintulot na ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Bago nag-adjourn ang paglilitis kahapon (Mayo 8) ay hininging kondisyon ng depensa sa mga senator-judges na kung pahihintulutan sina Carpio, Bello at Riza Hontiveros na tumestigo ay haharap na rin aniya sa impeachment court ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply