Wala talagang kadala-dala!: Rhian Ramos, inaabot ng umaga sa condo ni KC Montero

SABI, kaya madaling na-inlab itong si Rhian Ramos kay KC Montero ay dahil may common denominator at mga qualities si KC na kapareho ng ex ni Rhian na si Mo Twister. Parehong DJ ang dalawa, rapper at matatalino. Well, ang pagkakaiba lang siguro na knows na knows natin my BFFT Pete A., ay mas well endowed itong si KC compared kay DJ Mo, ‘di ba?

Na-blind item pa nga na hindi carry magsuot ng swimming trunks ni Mo sa beach dahil kakapiranggot lang ang sa kanya, unlike Papa KC and his brother Troy Montero na mga huge talaga.

By the way, kapag tinatanong daw ngayon si Rhian kung kumusta na ang estado ng relasyon nila ng ex Papa ni Geneva Cruz, exclusively dating lang daw sila ng nasabing deejay ng isang sikat na FM Station. Ows! Bakit may nakakita sa iyo, Ms. Rhian, na inuumaga ka raw sa condo ni KC? Trulala ba itech?

Ano ang ginagawa mo roon at nagbabad ka ng ganoon katagal sa pad ng lalaki? Hindi ba’t ganito rin ang drama mo noong kayo pa ni Mo? Hay naku! May mga babae talaga sa mundong ito na hindi nabubuhay ng walang Papa sa buhay nila. Well, ano naman ang paki natin? kung doon talaga siya masaya, hayaan na lang natin. Ang pangit lang kasi wala talagang kadala-dala at luka-luka itong si Rhian pagdating sa pag-ibig. Oo nga gyud!

***

Pagsaludo ng show ni Marissa del Mar na ‘Buhay OFW’ sa magigiting na kalalakihan, mapanonood na

SA PAGPAPATULOY ng serbisyong publiko ng beteranong broadcaster at civic servant na si Marissa del Mar, ipakikilala nya ang mga personalidad na nagbibigay inspirasyon sa mga OFW sa Hunyo 2 episode ng Buhay OFW sa Aksyon TV 41.

Si dating Congressman Ruffy Biazon ay ang Chief Commissioner ng Bureau of Customs.
Naibahagi n’ya kay Ms. Marissa ang kanyang tapat na serbisyong pampubliko sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino. Naikwento rin ng bunsong anak ni Senador Rudolfo Biazon ang kanyang tungkulin bilang mabuting asawa at ama sa apat na anak na lalaki.

Isa sa mga bansa na gusto puntahan ng mga Pinoy upang makapagtrabaho ay ang Taiwan. Kaya naman sa Trabaho Abroad, Sigurado segment ay ipakikita ang mga tradisyon, linggwahe, at ugali ng mga Taiwanese sa mga dayuhan. Tatalakayin rin ang sistema ng pulitika ng Republic of China (ROC).

Sa OFW in Focus, itinatanghal si Capt. Julio Santos Jr. na nagtatrabaho bilang Kapitan ng cargo ship na mahigit dalawampu’t anim na taon. Ilalahad n’ya ang mga pagsubok na hinaharap nila kapag naglalakbay sila sa iba’t ibang boarders ng mundo. Ang Buhay OFW ni Marissa del Mar ay ipinapalabas tuwing Sabado, alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng gabi sa Aksyon TV 41. Ang Buhay OFW ay mapanonood sa Aksyon TV International sa UAE, KSA, Italy, Guam, US and UK. Kung nais ninyong panoorin via on- line, mag log on lamang sa www.interaksyon.com/aksyontv.

Para sa iba pang detalye mag-log on lamang sa website na www.marissadelmar.com para sa ibang mga inpormasyon tungkol sa mga serbisyong pampubliko ni Marissa del Mar at ng Millicent Productions.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply