Walang magiging ghost beneficiaries sa H. Luisita– DAR

TINIYAK ng Department of Agrarian Reform (DAR) na walang magiging ghost beneficiaries na tatangap ng lupa sa Hacienda Luisita.

Ayon sa DAR mapakikinabangan ng mga lehitimong benepisyaryo ng Hacienda Luisita ang mga lupang ipamamahagi sa kanila.

Ipinahayag ni Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes na bagama’t may mga pangamba sila na may magsamantala at masingitan sila ng mga “ghost beneficiaries” tinyak nito na sasalain nilang mabuti ang mga dapat makinabang sa lupa ng asyenda.

Ayon sa kalihim, mayroong Alpha List o lehitimong listahan ng mga benepisyaryo na taunang ina-update upang malaman kung sino ang dapat makinabang sa ipamamahaging lupain.

Ngunit iginiit ni Delos Reyes, na kailangan pa rin nila ang kabuuang kopya ng desisyon ng Korte Suprema, na kasama ang listahan ng mga makikinabang na ibinatay sa listahan simula noong taong 1989.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply