Walang paggalaw sa presyo ng school supplies– DTI

MAGANDANG balita ngayong nalalapit ang pagbubukas ng klase sa Hunyo dahil walang magiging paggalaw sa presyo ng school supplies ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Trade and Industry Usec. Zenaida Maglaya, na mananatili lamang ang presyo noong isang taon ng ilang produkto gaya ng papel at kuwaderno.

Bahagya lang naman aniya ang itinaas ng presyo ng krayola at lapis na nadagdagan ng P2-P3, dahil nagmahal ang materyales na ginagamit sa paggawa nito.

Pinayuhan din kalihim ang publiko na mamili sa Divisoria dahil mas makatititpid sila doon kaysa sa mga mall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply