Walang pambili ng gatas: Bagong panganak balik ‘pagtutulak’

DAHIL sa hirap ng buhay at kawalan ng pambili ng gatas sa bagong silang na anak ay nagbalik sa pagtutulak ng shabu ang 25-anyos na ina na nadakip din ng awtoridad sa Mangaldan, Pangasinan, sa ulat ng pulisya kanina.

Kinilala ang suspek na si Cristine Gutlay, 25, ng Mangaldan, sinasabing nakatala na sa drug watch list ng Pangasinan PNP.

Sa ulat, dalawang buwan pa lamang matapos manganak ang suspek nang mapasya itong muling sumabak sa pagtutulak ng droga dahil sa kawalan ng pambili ng gatas.

Nabatid na ito na ang ikalawang beses na nasangkot sa buy-bust operation ang suspek ngunit ngayon lamang nahuli.

Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at P1,000 marked money.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply