Walang panalo si Corona

LAHAT talaga ng bagay sa mundo ay may hangganan.

Ito ang napatunayan na naman natin sa pagtatapos ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona dahil wala nang choice ang defense team kung hindi paupuin ang nasasakdal sa naturang korte upang isalba mismo ang kanyang sarili sa kahihiyan at pagkakatanggal bilang pinuno ng Korte Suprema.

Maging ang lahat ng mamamayan ay tiyak na tututok sa naturang trial bukas dahil kung noong mga nakalipas na araw ay nilalangaw ang Senado ay tiyak na punuan at tayuan ito dahil halos lahat ng mambabatas at politiko ay gus-tong masaksihan kung paano ipagtatanggol ni Corona ang kanyang sarili.

Tiyak ring tutunganga ang lahat ng tambay at tsismosa sa kanilang mga telebisyon dahil ito ang seselyo sa pinakaaabangang drama ng taon dahil matapos ang pagtestigo ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay sumiglang muli ang im-peachment dahil idiniin ng husto ng TanodBayan ang Punong Mahistrado sa kanyang itinatagong bank account na milyong dolyares.

Hiling lang ngayon ng mamamayan ay maging tapat sana si Corona sa kanyang mga ikukumpisal dahil kapag naging sintunado ang tono nito ay tiyak na ang paghuhusga na “guilty” siya sa impeachment trial dahil “no choice” siya kung hindi sabihin ang katotohanan.

Hindi bobo ang mga senador at iyan ay pinatunayan na nila ng makailang ulit at ang pinakahuli nga nito ay nang pumayag silang lahat na ipalabas ang power point presentation ng mga dollar account ng Punong Mahistrado sa 82 bank ac-counts sa limang bangko.

Importanteng papel din ang gagampanan ng mga tao ngayon dahil kapag nahalata nilang nagsisinungaling si Corona upang pagtakpan ang kanyang tagong ari-arian ay tiyak na huhusgahan na siya ng mamamayan at ‘yan ang magiging daan para makumbinsi ang mga senator-judge na hatulan siya ng guilty verdict. Malaking bagay pa rin ang public opinion sa naturang usapin dahil politiko ang mga huhusga at dahil tiyak na gigiya o papanig ito sa sasabihin ng tao.

Talo si Corona sa impeachment trial at alam niya na dapat ito dahil magmula nang siya ay ma-impeach ng Kamara ay tapos na ang boksing dahil tapos na ang paghuhusga ng bayan.

Sabi nga ni Pangulong Noynoy Aquino, daang matuwid tayo kaya’t ang mga katulad ni Corona ay walang puwang sa tuwid na landas ng kasalukuyang liderato.

###

Sa mga nagnanais ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanniisko@yahoo.com o mag-text sa 09336363310.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply