Walang siraan, kabutihan at kapakanan ng lahat

SA Linggo ay araw na ng election sa National Press Club (NPC). Hindi pa man sumasapit ang eleksyon ay umiinit na ang kaliwa’t kanang mga patutsada ng mga kandidato.

Nandiyan ang walang patumanggang mga paninira na ginagawa sa mga kapwa kandidato.

Daig pa ng mga kandidato  ang mga kandidato sa local election kung siraan ang mga kapwa kandidato.

Kung tutuusin ay simpleng pulitika lang po ang election sa NPC. Hindi naman dapat personalin ang bawat mga kandidato sa organisasyon.

Hindi naman sa kinakam-pihan ko itong mga kandidato sa Press Freedom Party na pinangungunahan nitong si Mr. Benny Antiporda.

Nagtataka lang kasi ako hindi pa man nagsisimula ang election ay halos bugbog sarado na sa mga banat na ginagawa ng kabilang partido laban sa partido ni Antiporda.

Nakapanliliit at halos hindi mo masisikmura ang mga ginagawang paninira nila kay Mr. Antiporda.

Sa totoo lang, kung atin pong hihimay-himayin ang history ng NPC simula pa noon, tanging sa panahon lang ni Antiporda nagkabuhay ang sinasabing sandalan ng lahat ng mga mamamahayag ang National Press Club.

Napakahabang panahon ang hinintay ng mamamahayag na magkaroon ng totoong samahan na kung saan ay magsasama-sama ang mga maliliit at malalaking mga mamamahayag na walang halong kaplastikan.

Kanya-kanya at sila-sila lang ang mga nagsasama-sama sa NPC noon.

Kung hindi ka rin lang sikat at pang-broadsheet ang dyaryo mong pinagsusulatan ay ‘wag mo nang pangarapin na makahalubilo mo ang elite mediamen.

Pero sa panahon ni Antiporda ay nagawa niyang pag-isahin at paglapitin  ang mga sikat at hindi sikat sa mundo ng pamamahayag.

GANYAN DAPAT!!!

oOo

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply