Walang third party sa hiwalayan – Koko

ITINANGGI ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na may third party sa hiwalayan nila ng kanyang misis na si Jewel May Lobaton, dating Binibining-Pilipinas Universe noong 1998.

Sa pagharap nito sa programang Headstart sa ANC, inusisa ng host ang senador kung may sangkot na third party dahil ito raw ang usap-usapan ngayon.

“None that I know of,”pagdidiin ni Pimentel.

Kahapon, Miyerkules ay nagbigay ng statement si Bacolod City Rep. Anthony Golez na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Koko at Jewel.

Bagamat noon pang Nobyembre 2011 nagkahiwalay sina Koko at Jewel, nitong Martes lamang ng gabi nang pormal na inamin ng senador ang paghihiwalay nilang mag-asawa.

Sinabi ni Pimentel na siya na ang maghahain ng annulment ng kasal nila ni Jewel, kung saan tiyak na magiging traumatic ang prosesong ito dahil kailangang maideklara kung sino sa kanila ang may kasalanan.

“In annulment, legal separation one of the parties must be at fault. At least one. The law requires that because there’s also a consequence, somebody forfeits something, ganun yun eh,” paliwanag ng senador.

Tutol naman si Pimentel sa panukala ni Sen. Pia Cayetano na gawing legal ang diborsyo sa bansa dahil hindi ito nababagay sa ating kultura

Sa ngayon, nagkakausap pa naman daw sila ni Jewel, kung saan hati rin sila sa custody ng dalawa nilang anak na lalaki.

Handa rin si Pimentel na tumulong sa kanyang dating misis sakaling ma-accredit ng Comelec ang partylist organization nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply