Walkout ni Corona, malaking kamalian – IBP Cebu

IPINAHAYAG ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Cebu Chapter na malaking kamalian ang ginawa ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa ginawang walkout sa opening statement sa Impeachment hearing noongMartes, Mayo 22.

Kasabay nito, dismayado ang  ilang mga abogado huwes sa Cebu sa ginawang pag-walkout dahil maaari naman itong magpaalam para umalis sa impeachment court.

Sinabi ng pinuno ng Integrated Bar of the Philippines – Cebu City chapter Atty. Earl Bonachita na malaking kamalian  ang ginawa ng Corona dahil bago mangyaring sumama ang pakiramdam nito ay maari naman
itong humingi ng permismo sa impeachment court .

Ayon kay Bonachita,  posible sanang nakumbinsi ni Corona sa kanyang opening statement  ang ilang indibiduwal ngunit  nawala rin ito dahil sa kaniyang biglang pag-alis.

Sinang-ayunan naman ni Regional Trial Court (RTC) Judge Menrado Paredes si Bonachita na hindi maganda ang asal na naipakita ni Corona sa Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply