Wanted: Matinong Internet service provider

KAWAWA naman ang Marikina – ang sama ng serbisyo ng mga Internet service provider (ISP) sa aming siyudad.

Partikular sa area namin sa Twinville Subdivision. Ilang buwan nang panay dropped connection ang Globe Broadband.

Bago nito, ilang taon na erratic ang connection. Premium subscriber naman kami kung tutuusin kasi yung pinakamataas na 3 mbps para sa residential subscribers ang binabayaran namin buwan-buwan.

Maiintindihan mo pa kung yung pang 256 kbps lang ang subscription mo – baka least priority ka sa connection or bandwidth.

Pero, 3 mbps ang sa amin at ilang taon na kaming loyal Globe subscriber kahit sa landline at cellphones!

Ang nakatatakot – mismong mga lineman ng Globe pa ang nagsasabi na malabong maayos nila ang problema kaagad dahil oversubscribed daw sila sa Marikina matapos maraming kumagat sa “same day installation” promo nila rati.

Malaking investment daw ang kakailanganin para masolusyunan ito.

Dati, ilang buwan na ang nakalipas, sinubukan kong pagsabayin ang Globe broadband at ng bagong subscription ko sa PLDT MyDSL.

Ang balak ko sana, kung mas maganda ang serbisyo ng PLDT … ipatitigil ko na ang Globe at yung PLDT MyDSL na lang ang ire-retain ko.

Sa kamalas-malasan… mas masama pa yung connection at reliability ng PLDT!

Pinatigil ko agad yung PLDT pagkatapos lang ng dalawang linggo at nanatili sa Globe.

Ngayon, pinaka-grabeng serbisyo ang nararanasan namin mula sa Globe.

Malas pa rin dahil pag-search ko sa Internet … wala pang Sky Broadband sa lugar namin!

Kawawa naman masyado ang Marikina!

Walang maaasahan na matinong ISP ang mga pamilya at negosyo sa amin.

In fairness, matino naman daw ang PLDT MyDSL sa ibang lugar sa Marikina.

Nakalulungkot na ganito ang sitwasyon sa amin kasi malaki ang epekto nito sa negosyo at productivity ng mga residente at negosyante sa amin.

Saklolo! Sa mga may-ari ng Globe, PLDT, at iba pang ISPs.

Ayusin naman sana ninyo ang serbisyo ninyo sa publiko.

Wala po kasing real value for money eh.

Marikina does not deserve the kind of service you are providing right now.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply