WBA title susungkitin ni Fareñas

SUSUBUKAN ni Filipino hard-punching southpaw Michael Fareñas (34-3-3, 26 KOs) na masungkit ang koronang hawak ni unbeaten WBA super-featherweight champ Takashi Uchiyama (18-0, 15 KOs).

Magaganap ang bakbakan ng dalawa sa Saitama (malapit sa Tokyo), Japan, sa July 16.

Si Uchiyama na ikalima nang pagdepensa ang gagawin ay nagnanais na maunat pa ang KO streak niya hanggang anim sa world title bouts mula nang maagawan ng korona  si Juan Carlos Salgado via twelfth-round dramatic stoppage noong January 2010.

Samantala, sa WBC flyweight mandatory title bout, idedepensa naman ni newly crowned Sonny Boy Jaro (34-10-5, 24 KOs) ang kanyang korona kay Japanese ex-Olympian Toshiyuki Igarashi (15-1-1, 10 KOs).

Matatandaang dinemolis ni Jaro si long-reigning champ Pongsaklek Wonjongkam sa pamamagitan ng nakagugulat na sixth-round TKO sa Thailand.

Si Igarashi, dating representative sa Olympic Games sa Athens ay may mabilis na kaliwete na inaasahang magbibigay ng matinding pagsubok kay Jaro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply