Website ng PAGASA inatake ng hackers

HINACK ang opisyal na website ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kasalukuyan, kapag tinungo ang kanilang website ay puting screen lamang ang makikita at nakaposte ang: Hacked by Net yser! Team:X-f*** ! E-mail:794399786@qq.com

Magugunitang nitong nakalipas na mga linggo ay na-hack rin ang website ng President’s Official Gazette (www.gov.ph), Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (www.pcdspo.gov.ph), ang www.malacanang.gov.ph at website ng University of the Philippines.

Sinabi ng PAGASA sa kanilang Twitter account na under maintenance ang kanilang website at pinayuhan ang mga reader na sa kidlat.dost.gov.ph kumuha ng impormasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply