Yakult office sa Quezon City niransak

NIRANSAK ang tanggapan ng Yakult Philippines sa may Regalado Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling araw (Mayo 6) at natangay ang may P10,000 halaga ng pera at ibang materyales.

Ayon kay PO3 Jaime Samson, pasado alas-4:00 ng madaling araw nang mapansin na ang gate ng naturang opisina ay siningitan ng bisikleta para mabuksan.

Ayon sa awtoridad binatak ng isang sasakyan ang gate kaya nabuksan na kakaiba ang istilo dahil karaniwang ginagamit ng mga kawatan ay bolt cutters.

“Nung mabuksan, ‘yung gamit na bike ng Yakult, pinangkalang nila sa gate. Nung may kalang na, nakapasok na sila,” dagdag pa nito.

Nang makapasok, winasak ng mga suspek ang vault na nasa loob ng opisina at hinalughog ang mga drawer at maging ang mga cabinet.

“Warak, ‘yung vault, sinira, bukas talaga. Nagkalat ang mga gamit, naghalungkat talaga,” pahayag pa nito.

Ayon sa may-ari, nakatangay ang mga suspek ng P10,000 cash at iba pang gamit.

Inimbitahan naman ng pulisya ang isa sa mga suspek na isinailalim sa interogasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply