Yaman ng top 3 richest congressman idenepensa

DENEPENSAHAN ngayon ng tatlong tinaguriang pinakamayaman na kongresista ang kanilang yaman na idineklara sa 2011 statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ang tatlong pinakamayaman ay sina Sarangani Rep. Manny Pacquiao na may assets na P1.35 billion, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may yamang P932.8 million at House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na may yaman na P762.2 million.

Para sa kampo nina Belmonte at Marcos, dati na umano nilang idinedeklara ang kanilang mga ari-arian kaya’t walang nakapagtataka dito.

Ayon naman kay Pacquiao, bukas sa publiko ang kuwento kung paano siya nagsimula at alam din aniya na dugo at pawis ang kanyang ipinuhunan upang makamit ang lahat ng mayroon ang kanyang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply