UPDATE: ‘You Are So Beautiful’ ikalawang inawit ni Jessica Sanchez

SA IKALAWANG round ng performace night ngayon sa American Idol, inawit naman ni Jessica Sanchez ang ‘You Are So Beautiful’ ni Joe Cocker.

Kung sa unang round ay “okay” lang ang performance ni Jessica sa pag-awit nito ng Proud Mary para kay judge Randy Jackson ay nagustuhan naman nito ang rendition ni Jessica ng You Are So Beautiful sa ikalawang round. Ani Jackson: “Great job!”

Gaya noong nakalipas na linggo mas naibigan ng Idol judges ang performance ng 16-anyos na half Pinay sa ikalawang round kung saan inawit nito ang Dance With My Father ni Luther Vandross.

Narito ang kinanta ng iba pang finalist sa round 2:

* Joshua Ledet — To Love Somebody (The Bee Gees)
* Phillip Phillips — Time of the Season (The Zombies)
* Hollie Cavanagh Bleeding Love (Leona Lewis)
* Skylar Laine — You Don’t Have to Say You Love Me (Dusty Springfield)

Sana gumana pairalin ulit ng mga Filipino sa Estados Unidos ang “bayanihan” at iboto si Jessica upang masagip hindi mapauwi ang mahusay at promising na singer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply