‘Ambo’ hanggang Martes pa sa Pinas

INAASAHANG sa Martes pa lalabas ang lalo pang lumalakas na bagyong Ambo habang mabagal na kumikilos sa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa forecasting center, mula sa 95 kilometro kada oras na lakas nitong Sabado, pumapalo na ito ngayon sa 105 kilometro bawat oras at may pagbugsong 135 kilometro kada oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Samantala, nakataas naman ang  signal number 1 sa Batanes Group of Islands at Calayan Islands.

Bukas, ang sentro ng bagyo ay inaasahang nasa 530 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes, bago lalabas ng Philippine area of responsibility sa araw ng Martes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply