‘Carina’ papasok sa PAR sa Miyerkules

ISA pang  tropical storm ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Base sa pahayag ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), palalakasin ng papasok na bagyo na may international name na “Talim” ang hanging Habagat sa bansa.

“Tropical Storm “TALIM” over the West Phil.Sea is expected to enter PAR this week. It is forecasted to track towards Taiwan & will enhance Habagat,” ayon sa tweet ng PAGASA.

Ito rin ang pahayag ni  PAGASA weather forecaster Manny Mendoza sa panayam sa dzMM kung saan inaasahang hindi ito tatama sa kalupaan.

“Sa amin pong palagay sa Miyerkules ng hapon papasok po siya (bagyo) sa Philippine area of responsibility. Dadaan po siya sa northwest border ng PAR bago tutungo sa Taiwan,” aniya.

“Hindi po [tatama sa kalupaan]. Mayroon po kasing mga model na nagsasaad na itong bagyong nasa Cambodia ay malapit sa Taiwan tatama, nagmo-move po siya ng east northeast,” dagdag pa ni Mendoza.

Ang naturang papasok na bagyo ay papangalanang “Bagyong Carina.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply