‘Impeachment bonus’ niluluto sa Senado

NILULUTO ngayon sa Senado ang panukalang magbigay ng “impeachment bonus” sa lahat ng empleado at opisyal na direktang lumahok sa paglilitis kay dating Chief Justice Renato Corona, ayon sa isang source sa Mataas na Kapulungan.

Base sa impormasyon na nakalap ng www.remate.ph, niluluto ngayon ang planong pagkalooban ng honorarium ang mga empleado at opisyal na direktang nagtrabaho sa loob ng limang buwan na itinagal ng paglilitis sa kasi ni Corona.

Sinimulan ang paglilitis kay Corona noong Enero 16 na umabot hanggang Mayo 29 nang magbotohan azng mga senator-judges ng 20-3 na siyang nagpatalsik sa dating punong mahistrado.

“Uulan ng grasya sa Senado ngayon panahon ng tag-ulan dahil sa namimintong pagkakaloob ng impeachment bonus sa mga empleado,” ayon sa source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ang impeachment bonus ay posibleng umabot umano sa halagang P 20,000 sa bawat empleyadong nakatutok ang trabaho sa impeachment trial ni Corona.

Hindi umano kasama sa biyaya ang mga staff ng senador, kahit na inaabot din sila ng gabi kapag may impeachment trial.

“Ay! Buti pa sila mayroon,”himutok ng isang empleyado na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Sinikap naman na hingan ng reaksyon si Senate Secretary Emma Lirio-Reyes subalit sinabi ng isang staff nito na masyadong busy ang Senate Secretary para mapagbigyan kahit isang minutong interview sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply