‘Mga bundat na pulis alisin’ – ALAM

PINURI ngayon nina Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry S. Yap at ALAM President Berteni Causing ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng kanilang weight loss program.

Sa nasabing programa, bibigyan ng dalawang buwan ang mga pulis para magpapayat at mawala ang malalaking tiyan.

Ani Yap, malaki ang maitutulong ng nasabing programa sa mga pulis na nagtatabaan at naglalakihan ang tiyan dahil bukod sa mapangangalagaan ang kanilang mga kalusugan ay bibilis pa ang kanilang kilos.

Ani Yap, napakasama na ng imahe ng mga pulis partikular ang mga malalaki ang tiyan, dahil kilala ang ilan sa kanila sa pagiging notoryus na mangongotong sa kalsada.

Dahil umano sa gawain ng iilan ay nadaramay ang iba pang matitinong pulis.

Ayon naman kay Causing, malaking bagay na maliit ang tiyan ng mga pulis dahil nagiging mas maliksi sila sa paghabol sa mga kriminal.

Isa umano sa mga dahilan kaya madalas makalusot ang mga riding in tandem at mga snatcher ay dahil mas mabibilis sila sa mga pulis na humahabol sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply