‘Tampo’ ni Koko sa UNA pagpapasyahan sa Lunes

PAGPAPASYAHAN sa Lunes ng liderato ng United Nationalist Alliance (UNA) ang umano’y hinanakit ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na makasama sa senatorial ticket ng alyansa si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa isang panayam, sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na magpupulong ang UNA executive committee kung saan siya kabilang, kasama sina Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile, upang talakayin kung dapat pang isama sa senatorial line-up ng alyansa si Pimentel.

Nagpahayag din ng pagka-dismaya si Estrada sa balakin ni Pimentel na kumalas sa alyansa.

“Bahala siya,” maikling reaksyon ni Estrada sa ginawang sulat ni Pimentel na humihiling sa liderato ng UNA na tanggalin sa tiket si Zubiri.

Hindi rin naniniwala si Estrada na mabubuwag na ang alyansa sakaling kumalas sa UNA si Pimentel.

Ayon pa sa dating Pangulo, dapat bigyan si Zubiri ng pagkakataon na linisin nito ang kanyang pangalan sa paratang na kasama ito sa mga nandaya noong 2007 elections.

“Kung kasama sa nandaya si Migz, dapat kasama siya sa kinasuhan, eh, hindi naman eh,” Everyone should be presumed innocent unless proven guity,” sabi ni Estrada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply