$1-B pautang ng Pinas sa IMF, binatikos ng FDC

INULAN ng batikos mula sa ibat ibang sektor ng lipunan ang plano ng gobyernong Aquino na magpautang ng 1 bilyong dolyar sa International Monetary Fund (IMF).

Ayon sa Freedom from Debt Coalition (FDC), ang perang ipapautang ay galing sa dollar reserve ng Pilipinas na ipapautang naman ng IMF sa mga bansa sa European Union na nasa krisis ang ekonomiya.

Sa isang press forum sa Sitio Fernandina sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Princess Nemensio ng FDC, na nagtataka kung bakit sa ibang bansa gagamitin ang naturang pondo gayong napakalaki ang pangangailangan ng ating mamamayan.

“The problem is here (in our country). Kaya kami nagagalit dahil inuuna pa ang kapakanan ng iba,” ani Nemesio “Panahon na para magtanong tayo kung para kanino at saan ba ang reserve na yan,”

Iginiit ni Nemesio na napakalaki nang pangangailangan ng bansa sa poverty alleviation at basic services gaya ng edukasyon, imprastraktura at agrikultura.

Ayon pa sa tagapagsalita ng FDC, dapat na ilipat ng gobyerno ang ipapautang na bilyong dolyar sa mas higit na pangangailangan ng mga mamamayan.

Samantala, nanindigan naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapalakas sa global stability ang naturang halaga na ipapautang ng Pilipinas sa IMF.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply